Tungkung Langit at Alunsina: Ang Paglikha ng Mundo at mga Bituin
Tungkung Langit at Alunsina: Ang Paglikha ng Mundo at mga Bituin
Ang kwentong ito ay nagmula sa mga Panay, sa isla ng Visayas. Ito ay isang alamat na naglalarawan kung paano nabuo ang mundo at ang mga bituin dahil sa pag-ibig ng dalawang diyos na sina Tungkung Langit at Alunsina.
tungkung langit at alunsina full story tagalog version
Noong pinakaunang panahon, wala pang mundo o kaya'y kalangitan. Lahat bagay ay walang hugis at ang lahat ay walang kaayusan. Sa madaling salita, puno ng kaguluhan. Isang araw, dalawang diyos ang lumitaw mula sa kawalan. Sila ay sina Tungkung Langit o kilala sa tawag na "Haligi ng Kalangitan" at si Alunsina na tinatawag na "Ang Dalaga".
Nahulog ang puso ni Tungkong Langit kay Alunsina. Niligawan niya ito at pakatapos ng napakaraming taon, sila'y ikinasal at nanirahan na sa pinakamataas na bahagi ng kalawakan. Nanirahan sila sa lugar kung saan laging maligamgam ang tubig at ang ihip ng hangin ay napakalamig. Si Tungkong Langit ay napakasipag at mapagmahal na diyos. Siya ang pinunong na ang nais lamang ay magdala ng kaayusan sa mga bagay na puno ng kaguluhan. Siya ang umaako ng responsibilidad sa mga nangyayari sa kalawakan.
Sa kabilang banda naman, si Alunsina ay tamad, selosa, at madamot na ang tanging ginagawa lamang ay umupo sa tabi ng bintana ng kanilang bahay at libangin ang kanyang sarili sa pamamagitan ng pag-iisip ng kung anu-ano. Minsan, sya'y bumababa ng kanilang bahay, nauupo sa tabi ng kanilang pinto, at nagsusuklay ng kanyang napakahabang buhok maghapon.
Isang araw, nagpaalam si Tungkong Langit kay Alunsina, "Aking mahal na Alunsina, ako'y aalis muna. May kaguluhan kasing nangyayari sa ating nasasakupan, aayusin ko muna ito. Babalik din ako kaagad." Ngunit, naging mapanghinala si Alunsina kaya pakaalis ng kanyang asawa ay agad niyang tinawag ang hangin, "Hangin! Lumapit ka. Mukhang may gagawin ang aking asawa na nakakapanghinala. Inuutusan kitang sundan at matsagan si Tungkong Langit, at saka sabihin sa akin ang kanyang pinagkakaabalahan. Humayo ka."
At noong nalaman ito ni Tungkong Langit, naubos ang kanyang pasensya at lubusan syang nagalit kay Alunsina. Pagkabalik na pagkabalik ni Tungkong Langit, tinawag nya si Alunsina at sinabing, "Bakit mo ako pinaghihinalaan? Hindi iyon gawain ng isang diyosa! Pano mo naisip na pagtataksilan kita eh walang ibang nabubuhay dito kundi tayong dalawa?" Ang mga pahayag na iyon ay lubusan ding ikinagalit ni Alunsina at pinagmulan ito ng kanilang away.
Inalis ni Tungkong Langit ang kapangyarihan ni Alunsina at pinalayas nya ito.
Bigla na lang naglaho si Alunsina at hindi alam ni Tungkong Langit kung saan sya nagtungo. Maraming araw ang lumipas at si Tungkong Langit ay nakaramdam ng labis na kalungkutan. Pinagsisihan nya ang kanyang ginawa. Ngunit huli na ang lahat. Ang lugar na dating puno ng kaligayahan at napakagandang tinig ni Alunsina ay napalitan ng kalungkutan. Sa tuwing gigising sya sa umaga, nag-iisa na lamang sya.
Isang araw, naisip ni Tungkong Langit na bumaba sa lupa at magtanim ng mga puno at bulaklak na baka sakaling mapansin ito ni Alunsina at bumalik sa kanya. Ngunit hindi pa rin sya pinansin ni Alunsina. Kaya sa kanyang pagkadesperado, kinuha nya ang mga alahas ni Alunsina at ibinato nya ito sa kalangitan. Umaasa sya na kapag nakita ni Alunsina ang mga ito ay baka mahikayat syang umuwi. Ang kuwintas ni Alunsina ay naging mga bituin, ang suklay nya ay naging buwan, at ang korona nya ay naging araw. Ngunit sa kabila ng lahat ng kanyang pagsisikap, hindi pa rin bumalik si Alunsina.
Ang mga alahas ni Alunsina ay naging ilaw sa gabi at tanglaw sa araw. Ang mga ito ay nagbigay din ng kaayusan sa mundo. Ang araw ay sumisikat tuwing umaga at lumulubog tuwing gabi. Ang buwan at mga bituin ay sumusunod sa galaw ng araw. Ang mga ito ay nagtatakda ng oras, araw, buwan, at taon.
Samantala, si Alunsina ay nagtago sa isang malayong lugar sa lupa. Hindi nya alam na ang kanyang mga alahas ay nasa kalangitan na. Hindi nya rin alam na si Tungkong Langit ay patuloy na nagmamahal at naghahanap sa kanya. Hanggang ngayon, hindi pa rin sila nagkikita muli.
Ang kwentong ito ay nagpapakita ng pagmamahal, paghihiwalay, at pag-asa ng dalawang diyos na sina Tungkong Langit at Alunsina. Ito ay isang halimbawa ng sinaunang panitikan ng mga Pilipino na nagbibigay ng paliwanag sa pinagmulan ng mundo at mga bituin. e0e6b7cb5c